Nakakatuwa .. matagal tagal din akong walang blog ah. Kamusta na? ayos pa ba .. cool ka lang kase sa kabila nang lahat nang pangit na pangyayari sa paligid meron pa ring maganda tayong makikita kung lubusan lang nating bubuksan ang ating mga mata.
Masaya ako, at sa sobrang saya ko' napapatagalog ako para masaya lang .. para kakaiba naman. Hindi naman iba sa akin ang maging masaya.,masayahin naman akong sadya pero iba ito. Lubos yung ligaya na nararamdaman ko sa puso ko.,para akong bagong kasal sa sobrang ligaya. Hindi pa ako nakasal, pero naka witness na ako ng kasal na batid ko kung paano ginawa .. kaya ayon parang alam ko lang ang pakiramdam at siguro ganito yung klase ng saya na nadama nila at maaring higit pa.
Sa totoo lang, hindi ko masambit ng sakto kung baket ako masaya ... pero ito kase yung klase ng ligaya na kahit naranasan kong simangutan at hindi kausapin ng maayos ngayong araw ay nagawa ko pa reng ngumiti at piliing mahalin yung taong nagsungit sa akin. Inisip ko na lang na marahil, kailangan nya lang nang pang unawa. :)
Pinaalala saken ni Lord yung Proverbs 15:1, sabe nya dun na "a gentle answer turns away wrath but a harsh words stirs up anger" .... lahat naman tayo ay tao lang. At kahit gaano pa tayong kabait ay dadating ang mga araw na mabubugnot tayo, pero isang bagay pa ang natutunan ko na sa bawat aksyon na gagawen natin may kaakibat itong epekto sa tao na nakakita o nakarinig sayo. Pwede kang pumikit at mag buntong hininga hangga't kaya, pero kung hindi naman .. edi sige magalit ka' mainis ka o kaya magsungit ka gusto mo yan e. Ang tanong ko lang eh .. ipagpapalit mo ba ang isang relasyon sa isang sandaling hindi mo na control ang iyong emosyon?' sayang naman. Pero hindi bale .,wag ka pa ren mag alala kasi depende pa ren naman sa tao kung paano nya tatanggapin ang mga pangyayare sa paligid nya. :)
Ang likot ng isip ko. Basta ngiti ka lang.,wag natin sayangin ang pagkakataon na makapag bigay buhay dahil nagbigay ka ng ngiti at nagsalita ng maayos. Gusto kong balikan yung PAG - IBIG., punuin natin nito ang puso natin' si Jesus ang tinutukoy ko. MAgugulat ka na lang ... kumikinang ka na. :)

No comments:
Post a Comment